
New Products, Better Services: Introducing the We Protect Her (WPH) Insurance
August 26, 2025
El Niño affecting small-scale farms; capacitating the WPI Drought Policy
August 26, 2025Sabi nga nila—ang taong gipit, sa patalim kumakapit.
Mahirap mapunta sa isang sitwasyon na tila walang matatakbuhan at walang maaasahan. Sa buhay, hindi natin maiiwasan ang mga pinansyal na suliranin. Kaya naman, ang pagkakaroon ng insurance ay nagsisilbing gabay tungo sa mas payapa at mas maginhawang landas.
Kung ikaw ay isang miyembro ng kooperatiba, isang empleyado, o kahit isang opisyal nararapat lamang na protektahan mo ang iyong sarili, pati na rin ang mga kasama mo, sa pamamagitan ng aming Group Hospitalization Insurance (GHI).
Sa kaso ng pagpapa-ospital ng isang miyembro maging ito man ay dahil sa natural na sanhi, sakit, o aksidente–ang polisiyang ito ay nagbibigay ng benepisyong katumbas ng halagang nakasaad sa iskedyul ng seguro. Saklaw din ng planong ito ang mga gastusin sa pananatili sa ospital, kabilang ang bayad sa silid, mga medikal na pamamaraan, at paggamot at may dagdag na benepisyo sakaling mamatay, magkaroon ng kapansanan, o maputulan ng bahagi ng katawan dahil sa aksidente.
Sa pakikipagtulungan sa Advanced Medical Access Philippines (AMAPHIL), nakasisiguro ka na ang aming mga produkto at serbisyo ay mas maayos na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kasaping kooperatiba.
Mas mainam nang may kasiguruhan sa panahon ng pangangailangan. Hindi natin alam kung kailan darating ang sakuna o trahedya sa ating buhay, kaya’t mas mabuting may handa tayong sandigan.
Kung ikaw ay miyembro ng isang kooperatiba, makakaasa kang hindi ka pababayaan ng aming GHI Insurance. Makakasigurado kang ligtas ka kasama ang iyong mga kapwa manggagawa o mga mahal sa buhay mula sa mga biglaang gastusing medikal.
Kaya huwag nang maghintay pa. Sa bawat miyembrong may GHI, may pag-asang kakambal ang bawat hamon.